I-FLEX
ni Jun Nardo
KOMPLETO na ang bucket list ni Vice Ganda. Natupad na ang wish niyang makapag-guest sa GMA’s longest running gag show, ang Bubble Gang.
Hindi naman ipinagkaila ni Vice na gusto niyang mag-guest sa gag show. Gayundin naman ang Bubble Gang tropa.
Ngayong 30th year na ng BG, abangan ang pakikipag-bardugulan ni Vice sa BG Tropa. VIP ang treatment sa kanya na may sariling dressing roon at may pabulaklak ang programa.
Abangan kung kailan lalabas si Vice sa gag show dahil siguradong super, super riot ito!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com