MA at PA
ni Rommel Placente
BONGGA ang dating child star na si Miggs Cuaderno, huh!
Sa katatapos na 3rd Gawad Dangal Filipino Awards, na ginanap noong Friday ng gabi, ay pinarangalan siya bilang Most Inspiring Young Actor of the Year. Bukod pa rito, binigyan din siya ng special award na Male Star of the Night.
In fairness, deserved ni Miggs ang award. Napakagwapo naman kasi niya ng gabing ‘yun.
Sa dalawang award na napanalunan ni Miggs, siyempre pa, proud na proud sa kanya ang kanyang mommy Judy.
Samantala, may natapos gawing horror film si Miggs, ang Paramdam. Kasama niya rito ang magdyowa na sina Jane Oineza at RK Bagatsing.
“Hopefully this year maipalabas po ‘yung movie directed by Joey Reyes. Hindi siya ‘yung traditional jump scare horror. Parang ano kasi siya, may nagpaparamdam sa bahay. ‘Yun lang po ang kaya kong i-spoil,” sabi ni Miggs.
Bukod sa pelikula, mapapanood din ang bagets sa isang mini series titled Type Kong Ramen mula sa NDM Studios at idinirehe ni Nijel de Mesa.
“Soon mapapanood na po ‘yun sa Netflix.”
Sa Type Kong Ramen, gumaganap si Miggs bilang isang theater actor. Nagpanggap siya bilang isang waiter para mapaglingkuran niya ang crush niya.
Nakapanayam namin si Miggs nang mag-guest siya sa online talk show namin na Marisol Academy.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com