I-FLEX
ni Jun Nardo
GALING sa social media personality na si Xian Gaza ang balitang hiwalay na umano ang lovers na sina Jake Cuenca at Chie Filomeno. Pero walang kompirmasyon diyan mula sa former showbiz couple, huh!
Nang mabalitaan namin ang hiwalayan umano nina Jake at Chie, tsinek namin ang kani-kanilang Instagram.
Nakita naming wala na sa kanya-kanyang account ang pictures nila together, huh! Hilig pa naman nilang mag-post sa account nila during their sweet moments.
Pero totoo kaya na ang dahilan ng hiwalayan eh pagtataksil umano ni Chie?
Nali-link siya ngayon sa isang mayamang negosyante mula sa Cebu raw, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com