I-FLEX
ni Jun Nardo
SINA Maris Racal, Elijah Canlas, at Angel Aquino ang may video na nagsasalita laban sa korupsiyon ang napanood namin kahapon sa rally, Linggo, September 21.
Matapang ang naging pahayag nilang tatlo. Sa Luneta muna ang simula ng seremonya na si Joel Lamangan ang director sa rally na nataon sa araw mismo ng kaarawan niya.
Noon pa man eh aktibista na si Direk Joel. Matapang siyang ihayag ang kanyang saloobin lalo na sa ganitong sitwsyon.
Wala pa ‘yung ibang celebs na lumalaban sa katiwaliang nagaganap ngayon. Baka sa stage na lang sila lalabas dahil ayaw nilang mainitin ng araw, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com