I-FLEX
ni Jun Nardo
HUWAG nang basagin ang trip ni Claudine Barretto. Ipinagmalaki kasi niyang kabilang na ang apelyidong Yan sa pangalan niya.
Inari na raw siyang “anak” ng nanay ng yumaong aktor na si Rico Yan na parte na ng buhay niya.
Bukod sa bagong paandar na ito ni Claudine, siya talaga ang nagbisto kay Ogie Diaz na ang volleyball player na si Vanie Gandler ang umano’y dahilan ng hiwalayan nina Gerald Anderson at Julia Barretto, huh!
Pero sina Julia at Gerald, wala pang kompirmasyon sa lumalabas na balita sa kanila, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com