I-FLEX
ni Jun Nardo
ALIW ang pakikipagbardagulan ng bagong coach ng Voice Kids Philippines nang magkaoon ito ng premiere last Sunday.
Bagong dagdag na coach sina Zack T at Paulo and Miguel ng grupong Ben and Ben. Present pa rin ang OG coaches na sina Billy Crawford at Julie Anne San Jose.
Nakipagsabayan din sina Zack, Paulo, at Miguel kay Billy na sutil at ma-dramang bully na paraan din niya para piliin siyang coach.
Sa napanood naming kids na napili, ‘yung napunta kay Zack ang very now ang boses, huh! Hindi pangkaraniwan ang boses niya.
Pero lahat ng coaches ay napili rin ng ibang contestants. Dagdag na excitement sa panonood ang bagong coaches at kung paano nila kumbinsihin ang mga batang kalahok na sila ang pipiliing coach.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com