I-FLEX
ni Jun Nardo
BINABAAN na ang halaga ng tickets para sa on-going 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championhip na ginanap sa SM MOA Arena sa unang mga araw at sa Araneta Coliseum sa susunod na araw gagawin.
Nakita namin ang halaga ng tickets mula sa ibaba hanggang general admission, huh. Sobrang mahal, huh!
Kaya naman nakita sa coverage ang maraming bakanteng upuan sa venue.
Umangal ang volleyball fans. Mas malakas ang women’s volleyball sa mga tao kompara sa men’s volleyball na ngayon lang nakakahiligan.
So, para mas maraming makabili ng tickets, binabaan na ang cost ng tickets. Mas mababa lalo ang general admission na kung dati eh more than P1K, ngayon, almost P800 na.
Sa isang page sa Volleyballistas sa Facebook, “Packed venues, affordable tickets, and passionate fans – that’s the formula fr a successful hosting of the 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship.”
Regalo rin daw sa birthday ni President Bongbong Marcos ang pagbaba ng tickets sa lahat ng laro.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com