I-FLEX
ni Jun Nardo
NAIYAK ang Sparkle artist na si Kyline Alcantara sa harap ng kanyang fans sunflowers noong birthday celebration niya na inorganisa nila.
Ayon sa kaibigang dumalo sa kaarawan ni Kyline, walang boys kundi gays at sunflowers ang iniyakan ng aktres.
Hindi raw kasi bumitaw ang mga ito sa kanya sa loob ng maraming taon na magkakasama sila.
Nag-sorry din siya sa kanila dahil, “I made mistakes pero young pa kasi ako noon.”
Anyway, malapit nang matapos ang kinabibilangang series ni Kyline sa GMA, ang Beauty Empire.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com