Thursday , June 4 2026
Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia, Arjo dinidikdik

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

TILA mas lalo namang naglalabasan ang mga photo and video ng sinasabing umano’y mga travel abroad, helicopter, mga sinasabing mansion at bahay bakasyunan ng Atayde family.

At dahil si Cong, Arjo Atayde nga ang nasa politika at isinangkot ng Discaya couple bilang tumanggap din daw ng milyones na “lagay,” kaugnay ng flood control projects, ito ang nadidikdik, kasama ang negosyante niyang tatay.

May mga naglalabasan pang interview umano kay QC Mayor Joy Belmonte ukol sa isang flood control project (pumping station) ni Cong Arjo na hindi naka-align sa flood control project sa QC.

Pati ang bagong negosyo ng nanay nitong si Sylvia Sanchez on film distributorship at production ay kinukwestiyon ang pondo lalo’t may mga balitang ang pagsali-sali nito sa mga film festival abroad ay naiuugnay din sa pagbili ng properties abroad.

Ipinagtanggol na ni Maine Mendoza ang asawa at sinabing “unfair” ang pagkakasangkot ni Cong. Arjo sa isyu. Hati ang naging reaksiyon ng madla dahil may mga kumampi, pero marami din ang nam-bash.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …