PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
GIGIL na gigil ang mga Kapuso sa bardagulan at drama tuwing hapon kaya naman laging panalo sa ratings at may million views online ang mga serye ng GMA Afternoon Prime.
Kaabang-abang ang mga susunod na kaganapan sa My Father’s Wife. Mabibisto na kaya ng mag-amang Gina (Kylie Padilla) at Robert (Gabby Concepcion) ang pagtataksil ng kanilang mga asawa na sina Gerald (Jak Roberto) at Betsy (Kazel Kinouchi)?
Samantala, tinutukan din ng viewers ang unang paglabas ni Atty. Lilet Matias (Jo Berry) sa Akusada. Ano kaya ang magiging hatol niya kay Lorena (Andrea Torres)?
Certified hit din ang pinakamatinding laban ng dalawang pamilya sa Cruz vs. Cruz. Anong mangyayari sa muling pagkikita nina Felma (Vina Morales) at Manuel (Neil Ryan Sese)?
Manatiling nakatutok sa iba pang exciting na eksena tuwing hapon sa pangmalakasang GMA Afternoon Prime!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com