PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAKALULUNGKOT namang sadya kung totoo ngang nang dahil sa pera ay natapos na ang manager-artist tandem nina mader Biboy Arboleda at Coco Martin.
May mga balita ngang kumalat na umano’y in-unfollow na ni Coco ang kaibigan-manager na malaki rin naman ang naitulong sa kanyang career and vice-versa. Ang dahilan nga raw ay ang paghihiwalay nila bilang business partner.
Ayon pa sa tsismis, dahil si Julia Montes na raw ang namamahala ng finance aspect ng mga kompanya ni Coco, baka umano may kinalaman ito sa sitwasyon ngayon ng aktor bilang prime artist.
Pero may tsika rin namang naka-follow pa si Julia kay mader Bibs dahil ‘anak-anakan at mader’ din naman ang turingan nila.
Hindi pa lang talaga malinaw kung wala na ba si mader Bibs bilang manager ni Coco o baka may matinding tampuhan lang ang mga ito gaya ng ibang mga nanay-anak?
Sa kabilang banda, sa interview ng Philstar.com kau Coco pinabulaanan ni Coco na hiwalay na sila ng kanyang manager.
Anito, chismis lang iyon at mahal na mahal niya si Mother Bibs naya walang katotohanan na hindi na niya iyon manager.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com