I-FLEX
ni Jun Nardo
UMABOT ng mahigit 2,000 komento ang post kahapon ni Marian Rivera sa kanyang Facebook ng mukha ng isang lalaki at may caption na, “Good morning everyone. If you know this guy please get in touch with me or just DM me. Thanks!”
May nagtanong kay Yan kung ano ang dahilan. Sagot ng aktres, “Bullying.”
Wala ng iba pang detalye na ibinigay si Marian dahil ang mga sumunod na komento eh either pabor o hindi pabor to the point na pasaway at gusto magpapansin, huh!
Wala talagang exempted sa bullying at kapag ang dalawang anak ni Marian ang binully, naku, thy will never hear the end of it!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com