I-FLEX
ni Jun Nardo
IBINISTO ni direk Jason Paul Laxamana ang paghihintay ni Andres Muhlach sa kaparehang si Ashtine Olviga habang nakasalang pa sa shoot ng first movie nila together na Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.
Tinanong daw ni direk si Andres kung bakit nasa set pa siya eh tapos na ang mga eksena niya. Sinabi ng binata na hinihintay niya si Ashtine para sabay na silang umuwi.
Of course , isa lang ‘yun sa behind na scenes ng movie. Pero may isa pa raw BTS na nangyari pero umayaw na si direk Jason na sabihin ito dahil baka maging spoiler siya.
Sa totoo lang, puno ng kilig at sigawan ng fans na invited saa mediacon. Feeling wedding reception ang event dahil sa dami ng bulaklak na pumuno sa venue, huh!
Base sa bagong teaser ng movie, mukhang tatabo sa takilya ang unang movie ng AshDres loveteam, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com