Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miles Poblete Faith Cuneta Noel Cabangon

Faith at Miles balik-concert via Songs for Hope 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBABALIK-CONCERT scene ang singer-actress na sina Miles Poblete at tinaguriang Queen of Asia Novela Theme Song na si Faith Cuneta na parehong galing sa Metro Pop Music Festival  via Songs for Hope. Makakasama nila ang si Noel Cabangon.

Ani Faith sa mediacon ng Songs For Hope, “Nagpapasalamat ako kay Cye (Soriano) dahil isinama niya ako sa ‘Songs for Hope’ at nakasama ko ulit si Sir Noel.

“Hopefully sana magsunod-sunod ‘yung mga concert ko, nakaka-miss din ‘yung katulad ng dati, pero may mga singing engagement pa rin naman ako.”

Ayon naman kay Miles, “Thankful din ako kay Cye dahil isinama niya ako sa concert na ito at ang makasama si Sir Noel ay isang malaking karangalan.

“Maybe after this concert, puwede kami gumawa ng show na kasama naman ‘yung mga galing Metro Pop katulad namin ni Faith. ‘Yun ‘yung pag-uusapan namin, sana matuloy.

“And may nagawa rin akong dalawang pelikula na ipalalabas pa lang, ‘yung ‘Mga Munting Tala’ at ‘Ako si Kindness.’ Mayroon pa akong gagawing pelikula, sana magtuloy-tuloy at marapi pang  projects ang dumating,” tsika pa ni Miles.

Bukod kay Noel makakasama rin sina  Patricia Ismael, Cye Soriano, Nadj Zablan, Dindo Caraig, Dindo Fernandez, TNC Band  with front act Meggan Shinew, Justin Herradura, Rafael Mamforte, Samuel Smith.

Ang Songs for Hope ay magaganap sa Sept. 20 sa Music Museum, 7:00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …