RATED R
ni Rommel Gonzales
MATAGUMPAY ang general assembly ng Guild of Assistant Directors and Script Supervisors of the Philippines (GADSS) noong August 2. Ang event ay idinaos para i-welcome ang mga bagong miyembro ng guild at para magbigay ng magandang pagkakataon para sa lahat ng dumalo para mag-reconnect at pag-usapan ang mga current at upcoming projects.
Nagtipon-tipon ang mga professional mula sa iba’t ibang bahagi ng industriya ng pelikula at telebisyon upang talakayin ang mga future endeavors na layuning itaas ang mga professional standards ng mga miyembro ng GADSS. Sa pamamagitan ng masiglang talakayan at mga engaging na discussions, pangako ng guild na patuloy ang pagpapabuti at suporta ang ibibigay para sa kanilang mga miyembro.
“Natutuwa kami na makitang maraming familiar at bagong mukha ang nagtipon-tipon,” ayon kay Marinette Lusanta, President ng GADSS. “Ang event na ito ay isang makabuluhang hakbang patungo sa pagpapalakas ng isang mas nagkakaisang komunidad na nakatuon sa excellence sa aming craft.”
Umaasa ang GADSS na mapanatili ang momentum na ito at excited sila tungkol sa collective potential na itaas ang industriya sa kabuuan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com