Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Martin Nievera Take 2

Martin nakaiintriga kantang Be My Lady 2025 

I-FLEX
ni Jun Nardo

GUMAWA ng isang kanta si Martin Nievera na titled Forever In Your Eyes. Para sa girlfriend niya ito ngayon pero never niyang inilabas nang magawa.

Eh sa latest album ni Martin na Take 2 na gawa sa plaka o tinatawag na vinyl, kasama ang kantang ‘yon na ipinarinig pa niya sa launching nito.

Kasama rin sa kantang nakapaloob sa vinyl, ang cover ng Concert King ang kantang Leaves ng grupong Ben & Ben na hinahangaan niya.

Aminado si Martin na hindi agad ibinigay sa kanya ang kantang ito. Pero matapos ang mahabang usapan eh bahagi na ito ng Take 2 album niya.

Sa totoo lang, kaya Take 2 ang title ng album, ang unang album ni Martin ay Take 1. Hindi na ganoon pulido ang cover ng album at ang board na nasa foreground ay obsolete na ngayon replaced by digital board.

Pero ang intriguing sa tracks ay ang kanta niyang Be My Lady na ang title ay Be My Lady 2025.

Kasi nga, bago ang areglo nito na maninibago raw ang makaririnig dahil hindi ito ‘yung version na kinakanta sa videoke, huh! Gayunman, naroon pa rin ang tunog na nagustuhan ng publiko.

Marami nang karanasan sa buhay si Martin personal man o sa career. Basta patuloy lang siya sa pagkanta at wala na siyang insecurities pa sa buhay.

Been there, done that na si Martin na may collector’s item sa vinyl album niyang Take 1 under Vicor and Viva Records.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …