I-FLEX
ni Jun Nardo
ANO kaya ang nagtulak para isiwalat ni Maine Mendoza ang pagkagusto niya noon kay Alden Richards noong panahon ng kanilang Al-Dub loveteam sa isang podcast?
Hindi nga lang nagwagi si Maine na maging boyfriend niya si Alden mas priority that time ang career kaysa lovelife.
May asawa na ngayon si Maine. Alam ba ng asawa niyang si Cong. Arjo Atayde ang confession niyang ito?
Mas sumikat si Maine noong panahong ‘yon dahil sa pagiging novelty niya. Mas tumagal nga lang ang career ni Alden na aktibo pa rin sa showbiz.
Eh si Maine, Eat Bulaga na lang ang show. Wala naman balitang gagawa pa siya ng movies. Pero contented naman siya as a person na ang pagbubuntis na lang ang hinihntay ng lahat.
Nalipasan na kasi ang AlDub kahit may mag-delulu pa ring fans na umaasa o nagkukunwang may anak na ang dalawa.
Hindi man nagkatuluyan sina Maine at Alden, bahagi naman sila ng history sa noontime show na nag-iisang kalye-serye sa katanghalian!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com