I-FLEX
ni Jun Nardo
HAPPY, happy birthday sa nag-iisang reyna at dyosa na si Marian Rivera.
Big deal kapag birthday ng GMA Primetime Queen pero sa kanya, pasasalamat niya ito sa lahat ng blessings na dumating sa kanya mula noon hanggang ngayon.
Nagsisimula pa lang si Yan sa showbiz eh kilala na namin. Lumalabas na siya sa mga series na prodyus ng TAPE after Eat Bulaga! Under management pa siya ng momshie niyang si Popoy Caritativo.
Nabago ang ikot ng mundo. Sumikat si Marian. At iba na ang management niya. Pero nananatiling kaibigan si Popoy.
Blessed with a very good husband and two good-looking kids, napanatili pa rin ni Marian ang kinang sa TV at sa movies.
Alam namin, hindi niya kami makalilimutan dahil kami ang madalas magtanong ng sexy questions sa kanya pagdating sa asawang si Dingdong Dantes.
Happy, happy birthday, Marian Rivera Dantes! Love you!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com