I-FLEX
ni Jun Nardo
BASE sa video clips ng unang gabi ng nakaraang concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda, idinaan ni Meme ang banat kay Cristy Fermin.
Pabirong sinabi ni Vice Ganda ang salitang demonyo at sa isang banda, monetized o pinagkakaperahan.
Walang kalaban-laban si Cristy dahil wala naman siya sa loob ng venue. Eh dahil naglabasan ang videos ng concert na pinulutan siya ni Vice, hindi puwedeng hindi lumaban si Cristy, huh.
Para sa amin, kahit idinaan sa komedya, wala namang kinalaman si Cristy sa concert at pakialam ba ng manonood sa away nina Vice at Cristy, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com