Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pulilan Bulacan PNP Police

Sa 5-min. emergency response ng PNP
MIYEMBRO NG AGAW-MOTORSIKLO TIKLO

ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo matapos na muling umatake sa  bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng madaling araw, 5 Agosto.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Protom Guevarra, hepe ng San Rafael MPS, kinilala ang suspek na si alyas Wil, 27 anyos, residente ng Brgy. Virgen delas Flores, Baliwag, Bulacan.

Sa loob ng limang minute, naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Pulilan MPS sa pangunguna ni P/Lt. Col. Eisbon Llamasares sa kahabaan ng Pulilan-Baliwag Bypass Road, Brgy. Balatong B, Pulilan, habang sakay ng motorsiklong may stainless at asul na sidecar na tumugma sa na-flash alarm na ninakaw sa San Rafael.

Dinala ang suspek at ang motorsiklo sa San Rafael MPS para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa R A 10883 o New Anti-Carnapping Act.

Kaugnay nito, muling pinagtitibay ng pamunuan ni P/Col. Angel Garcillano, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang dedikasyon ng pulisya sa lalawigan sa mabilis na pagtugon at pagpapanagot sa mga kriminal.

Ani pa niya, ang mabilis na pagtugon sa utos ni PNP Chief P/Gen. Nicolas Torre sa direktibang 5-minute emergency response ay susi sa kaligtasan at tiwala ng mamamayan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …