I-FLEX
ni Jun Nardo
MAY project together daw sina Barbie Forteza at Jameson Blake kaya nag-iingay.
Lagi naman ganyan si Barbie kapag may bagong project, huh! Kailangan pa ba niya?
Mula kasi nang maghiwalay sina Barbie at BF na si Jak Roberto, tila nagustuhan ni Barbie ang pinag-uusapan, huh.
Eh ‘yung team up naman nila ni David Licauco tila one shot deal lang. Ang mas batang si Jillian Ward naman ang kapareha sa bagong GMA series at sa primetime na naman na hindi turf ni Jillian.
Alam naman ng manonood na short-lived lang ang pagiging atraksiyon ni Jillian sa primetime dahil one season lang ang My Ilonggo Girl niya with Michael Sager.
Kung bakit ipinipilit eh sa hapon na Prinsesa si Jillian after the long-running Abot Kamay na Pangarap.
So heto, inirereto si Barbie kay Jameson dahil may project sila. So kung walang project, hanggang running na lang closeness nila? Bakit kasi kailangan pang mag-ingay kung puwede namang hindi
Gulo-gulo ninyo!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com