I-FLEX
ni Jun Nardo
MUSIC film na ang dating ng music video na bansag ng SB19 sa collaboration nila ni Sarah Geronimo sa kantang Umaaligid na labas na ngayon.
Sa napanood naming clips ng music film ng kanilang kanta, tila lumabas silang suspects sa asalanang hindi nila ginawa. Akmang-akma ito sa napapanahong nagpapakalat ng maling balita o fake news.
Komento ng isang netizen na nakapanood ng music film, “Akala ko, ‘yung inipon kong pera eh para sa concert nila (Sarah at SB 19), pampiyansa pala nila.”
Malay ninyo, magkaroon din ng concert si Sarah at ang SB19 na tiyak dudumugin ng publiko, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com