I-FLEX
ni Jun Nardo
SARAP na sarap sa pagkain ng tawilis galing Taal Lake si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na naka-post sa Facebook ng Puso At Talino.
Ang pagkain ni Gov. Vilma ng tawilis ay para ipabatid sa lahat na ligtas itong kainin kahit na nga may balitang sa Taal Lake inilibing umano ang missing sabungeros.
Sa totoo lang, sa pag-upo bilang Ina ng Batangas, isa sa hamon na haharapin niya ang kaganapan sa bayang nakapaligid sa lawa ng Taal.
Nais din niyang protektahan ang nasasakupan na naapektuhan sa kaganapan sa Taal Lake.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com