I-FLEX
ni Jun Nardo
BAKLANG-BAKLA ang arte ni Kyline Alcantara sa Beauty Empire lalo na noong binu-bully na niya si Barbie Forteza, huh!
Siyempre, threat si Barbie sa mundo nila kaya naman lumalaban ito kahit na inaapi.
Of course, enjoy na enjoy kami sa acting ni Ruffa Gutierrez bilang boss ng dalawa at ng Velma Beauty.
Dahil sa name ng company na Velma, naalala namin ang stage play na Si Nura At si Velma na fan ang Velma sa play ng ginampanan ng komdyante at singer na si Leonard Obal. Si Allan K naman ang gumanap na kalaban niyang fan na si Nura.
Sana mag-guest si Gov. Vilma Santos Recto sa series para lumabas na may totoong Vilma at hindi Velma! Hahaha.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com