I-FLEX
ni Jun Nardo
HIWALAY na raw ang isang kilalang showbiz couple na may anak.
Magkaiba sila ng mundong ginagalawan at between the two, mas visible ang babae.
Pero nasa isang bahay pa rin sila nagsasama. Hiwalay nga lang ng room gaya ng ibang couple.
Nagsasama sila para sa kanilang anak. Hindi nila ipinadadama sa mga anak na hindi sila mag-asawa. Parents pa rin sila sa mga anak.
Alam ng malalapit sa kanila ang ganitong set up ng couple. Wala naman silang magawa na magsama uli ang dalawa lalo na’t mas strong ang character ni babae kaysa lalaki na mayaman lang, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com