Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Whistleblower Totoy

“Whistleblower Totoy” nasa protective custody na ng PNP

ISINAILALIM sa protective custody ng Philippine National Police (PNP) si Julie “Dondon” Patidongan alyas Totoy ang whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kinompirma ito kahapon ni PNP Chief, PGen. Nicolas Torre III.

Kasalukuyan aniyang nag-a-apply sa Witness Protection Program (WPP) si “Totoy” para matiyak ang kanyang seguridad.

“Pag siya ay nag-qualify (sa Witness Protection Program), itu-turnover namin siya sa [Department of Justice],” ayon kay Torre.

Ayon kay Torre, kilala at mayayamang tayo ang sangkot sa ibinulgar ni “Totoy” kaya kailangan ang mahigpit na  seguridad dito.

Itinuro ni “Totoy” ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang bilang utak sa pagdukot at pagpatay sa higit 100 sabungero.

Samantala, sinabi ni Torre na nasa kustodiya na  rin nila ang 15 pulis na sinabing sangkot sa pagpatay sa mga nawawalang sabungero, na ang may pinakamataas na ranggo ay isang Lt. Colonel.

Isinailalim sa kustodiya ang mga pulis bilang bahagi ng kanilang isinasagawang internal investigation.

“We are doing this with NAPOLCOM to ensure transparency and impartiality… para siguraduhin na ang hustisya ay makakamit,” ani Torre.

Sa katunayan, halos lahat na mga sangkot ay nasa active status.

“Lahat sila active… except for one na due for retirement at tatlong na-dismiss na dati,” dagdag ni Torre.

Tiniyak ni Torre na wala silang sasantohin at layunin nilang mabigyan ng hustisya ang mga nawawalang sabungero. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …