I-FLEX
ni Jun Nardo
MALAKAS talaga ang puwersa ng fans (A’TIN) ng Pinoy Pop na SB19 sa kick off concert nilang Simula At Wakas sa Philippine Arena noong Sabado, May 31.
Umaapaw ang Philippine Arena sa dami ng nanood! Wala makitang bakanteng upuan. Patunay na ang SB19 ang King of P-Pop!
Nakatutuwang makita ang posts sa socmed na may mga malalaking tila tourist buses na waiting para sakyan ng manonood. Bawat isang member ng SB19 eh may sariling bus para sakyan ng manonood.
Last Sunday naman ang second night at dahil sold out na ang tickets eh asahan ang pagdagsa ng bagong batch ng fan base ng SB19 na A’Tin.
Sa Facebook page ng SB19, nakasaad ang, “A’TIN! We can’t believe we just finished the first day of our Simula At Wakas World Tour Kick Off. Thank you for filing the arena with your loud cheer and unstoppable energy. This is just the beginning of something great. See you all again tomorrow!”
Hail to the P-Pop Kings! Sila ang unang local artist na nakapuno ng Arena, huh.And look, walang umangal sa traffic.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com