I-FLEX
ni Jun Nardo
YAYAMANIN ang bagong bahay na ipinagmamalaki ng isang hunk aktor na nakagawa na rin ng pelikula pero support lang, huh!
Eh nakuha ng isang Marites ang video ng pagmamalaki niya sa kanyang bahay na talaga namang ipagtataka ng nakakikilala sa kanya kung saan nanggaling ang ipinambili at ipinagpatayo, huh
Eh sa nakaraang movie, may markado naman siyang eksena pero after that eh para na siyang nawala sa movie.
Totoo kaya ang tsismis na may gay benefactor ang aktor kaya naman afford niya ang high standard of living kahit walang masyadong project sa TV o movies?
Sarap ng buhay ng hunk actor!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com