I-FLEX
ni Jun Nardo
SUMAKSES ang pagiging faney ni Janice de Belen sa sikat na Korean idol na si Song Joong-Ki sa nakaraang fan meet nito sa Mall of Asia Arena nitong nakaraang weekend.
Ngiting tagumpay si Janice nang lumabas siya sa stage at nakasama ang idolong si SJK na ambassador ng IAM Worlwide.
Yakap, halik with roses ang natanggap ni Janice mula sa idolo na bumabaha ang videos at pictures nilang dalawa sa social media.
Oo First time ni SJK na bumisita sa Manila kaya naman namangha rin siya sa dami ng Filipinong nagmamahal sa kanya.
Of course, punong abala ang Publicity Asia boss na si Joyce Ramirez sa pagbisita ni SJK sa bansa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com