I-FLEX
ni Jun Nardo
UNBOTHERED naman daw ang grupong BINI sa umano’y kakulangan ng production values ng nakaraang concert nila sa Dubai nitong nakaraang mga araw.
Nagawa pa rin kasi nilang magbigay pugay sa ambassador natin sa London na si Teddy Locsin na proud siyempre na i-represent ang bansa ng BINI.
Sinamantala na rin ng grupo na magkaroon ng picture sa famos Abbey Road sa London. Nakilala ito nang mag-pictorial doon ang British group na The Beatles at ginawang cover sa isa nilang album.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com