Monday , November 25 2024

Daga sa Gapo dumpsite sanhi ng kumakalat na Leptospirosis?

OLONGAPO CITY – Nagrereklamo ang mga residente ng Tagumpay St. sa Barangay New Cabalan sa lungsod na ito dahil sa biglang pagdami ng mga daga sa kanilang barangay na ngayon lamang nangyari mula pa noong sila ay nanirahan sa dumpsite o landfill ng lungsod na ito.

Ayon kay Dais Diaz, 49, may asawa residente ng nasabing barangay mula umano nang itinayo ang landfill ay ngayon lamang nila nakita ang napakaraming daga na nagkalat sa kanilang lugar na tuwing sasapit ang gabi ay nagsisislabas ang daan-daang bilang ng mga daga at pumapasok sa kanilang bahay.

Idinagdag ni Daisy na maaaring ito umano ang dahilan ng pagdami ng bilang ng mga biktima ng leptospirosis na usong sakit sa lungsod na ito na nagsimula nitong nagdaang habagat.

Madalas pa umanong kagatin ang kanyang mga anak sa oras ng pagtulog sa gabi at kung minsan naman ay sinisira na ang kanilang bubungan.

Sinabi ni Jerladine Cuison isa rin sa residente ng barangay, madalas maperhuwisyo ang kanyang tindahan gaya nang minsang paggising niya ay ubos na ang kanyang panindang display dahil sa dami ng mga daga na halos malaki pa sa kanilang mga pusa.

Ang nasabing landfill o dumpsite ng lungsod ay nasa 5 kilometro ang layo mula sa siyudad at 20 metro naman ang lapit sa mga residente ng barangay  na sinasabing isa sa pinagmulan ng dumaraming sakit ng leptospirosis nitong nagdaang Habagat at nagdulot ng pinakamalaking pagbaha.

Samantala,umabot na sa 589 pasyente ang dinapuan ng sakit na leptospirosis mula sa pinakabagong naitala sa ospital ng James L. Gordon Memorial Hospital at nasa labing-isa na ang namamatay dito mula nitong nakaraang Lunes.

(Jay-Czar Cruz La Torre)

About hataw tabloid

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *