I-FLEX
ni Jun Nardo
EXCITING sa aming taga-showbiz malaman kung sino-sino ang papalarin sa mga artistang kumakandidato.
Mula sa national position hanggang sa local seat eh may mga artista ring pinasok na ang politika.
Kahit maraming bumabatikos sa mga artista na walang karapatang pumasok sa politika, eh sila naman ang gumagastos sa kampanya, kaya walang basagan ng trip, huh.
Mas mabuti pa ang mga artista kaysa mga trapo at mga dinastiya na nagsasalin-salin lang ng puwesto, huh! Iilan lang naman sa mga dinastiya ang tumutululong ng sapat sa kanilang nasasakupan, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com