Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ina nagluluksa sa pagpanaw ng anak habang nakapila sa ayuda Marikina

Ina nagluluksa sa pagpanaw ng anak habang nakapila sa ayuda

ISANG INA ang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak, habang nasa payout event na inorganisa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo sa Marikina Sports Center.

“Ang pinakamasakit po nito para sa akin, dapat ang anak ko ang maglilibing sa akin balang araw—pero ngayon, ako ang maglilibing sa kanya. Kahit hindi ko man laging nasasabi, pinaramdam naman namin sa iyo kung gaano ka namin kamahal,” sabi ng ina ng biktima.

“Mahal na mahal ka talaga namin. Wala namang magulang na hindi nagmamahal sa anak. Hindi ko talaga matanggap ang nangyari,” dagdag pa niya.

Naalala rin ng ina kung paano siya niyakap ng kanyang anak nang mahigpit isang araw bago ito pumanaw — isang bagay na matagal na niyang hindi ginagawa.

“Kahapon lang, niyakap ako ng anak ko nang mahigpit. Sabi niya, ‘Mama, mahal na mahal kita.’ Hindi ko alam na iyon na pala ang huli naming pagkikita,” wika ng ina.

Kinompirma ng Marikina City Police ang pagkasawi ng biktima, na residente sa Barangay Sto. Niño, Marikina City.

Batay sa inisyal na ulat, maagang pumila ang biktima sa payout site kasama ang kanyang live-in partner bandang 7:00 ng umaga at pagsapit ng 4:10 ng hapon, nakaranas siya ng hirap sa paghinga at nawalan ng malay sa lugar.

Dinala siya sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) at idineklarang patay ng mga doktor.

Ginawa ng pulisya ang kompirmasyon kasunod ng mga naunang ulat sa social media na ang biktima’y namatay dahil sa atake sa puso dulot ng labis na pagod at init.

Ayon sa mga saksi, hindi agad nabigyan ng atensiyon ang biktima dahil mas inuna umano ng mga coordinator ni Quimbo ang pagpigil sa mga tao na mag-video ng insidente.

Sa isa pang video, makikita ang mahabang pila ng mga residente habang nakabilad sa matinding init ng araw sa labas ng Marikina Sports Center.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …