Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arnold Vegafria David Licauco

David Licauco suportado pagtakbo ng manager na si ALV

I-FLEX
ni Jun Nardo

PINASOK muli ng businessman-talent manager na si Arnold Vegafria ang politika sa Olonngapo City dahil ang mayor ng syudad ang kanyang target ngayong election.

Sinubukan na ni Arnold tumakbo sa nasabi ring posisyon noong 2022. Pero hindi 100 percent ang puso niya.

Sa mediacon ni Arnold o ALV ng showbiz, focus na ang puso at isipan niyang mayor ng Olongapo City na gusto niyang ibalik ang ningning na nawala nang matapos ang Gordon administration.

Wala na ‘yung tinatawag na Sin City sa syudad at gusto niya itong maging Smart City at dayuhin ng mga turista dahil sa maganda nilang lugar.

Isa sa artists ni Arnold na sumuporta sa isa niyang political rally eh si David Licauco. Of course, welcome sa mayoralty bet ang iba  niyang artists na ikampanya siya.

Para kay Arnold, calling ang maglingkod kaya naman kahit sinasabi ng kaibigang politicians at iba pa na hindi na niya kailangang pumasok sa politika para makatulong, ang tawag ng puso at isipan upang maglingkod sa kababayan sa Olongapo ang kanyang pinakinggan!

Good luck, ALV!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …