Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iñigo Pascual Allen Dizon

Iñigo Pascual bigay-todo sa pelikulang “Fatherland”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA KABILA ng Hollywood stint ni Iñigo Pacual sa TV series na “Monarch” kasama ang Hollywood actress na si Susan Sarandon, hindi nawawala sa aktor ang kanyang passion sa pag-arte. Kaya hindi nagdalawang isip ang binata nang alukin para gampanan ang papel ni Alex Dela Cruz sa pelikulang “Fatherland”.

Agad umuwi ng bansa si Iñigo para gawin ang obra ni direk Joel Lamangan mula sa panulat ni Roy Iglesias. Bidang-bida ang papel ni Iñigo rito bilang isang anak na naghahanap sa kanyang ama.

Sa kanyang paghahanap ay unti-unti niyang makikilala ang kanyang ama na may multiple personality disorder, played by award winning actor Allen Dizon. Madidiskubre niya ang pinagdaanang hirap ng kanyang ama — pati na ng bansang Filipinas at ng lipunan.

Excited si Iñigo sa Fatherland dahil bukod kay Allen, nakatrabaho niya sa pelikula ang mga de-kalibreng artistang gaya nina Cherry Pie Picache, Angel Aquino, Richard Yap, Mercedes Cabral, Jim Pebanco, at Max Eigenmann.

Masaya rin siyang naka-work sina Jeric Gonzales, Rico Barrera, Abed Green, Kazel Kinouchi, at showbiz royalty na sina Ara Davao at Bo Bautista.

Puring-puri si Iñigo ng co-actors niya at ni direk Lamangan sa husay ng kanyang pagganap at professionalism na ipinakita.

Ayon kay direk Joel, masaya siya dahil nagampanan ni Iñigo nang buo ang kanyang karakter. Bigay-todo at bukas ang isip nito upang mapaganda ang kanyang pag-arte.

Para kay Iñigo, importanteng pelikula ang Fatherland, bukod sa emotional na paghaharap ng mag-ama. tinalakay nito ang mga problema ng land grabbing, Muslim separatism, at invasion of Chinese POGO. Sa kabila ng mga isyung tinalakay, buo ang kuwento ng mag-ama, na hitik sa drama at aksiyon.

Ang Fatherland ay prodyus ng Bentria Productions ni Engr. Benjie Austria at ng Heavens Best Entertainment ni Harlene Bautista.

Mapapanood ang pelikula simula April 19, in cinemas nationwide. Magkakaroon din ito ng celebrity premiere sa April 22, sa Gateway Cinema 11.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …