Thursday , April 3 2025
Jojo Mendrez Mark Herras

Jojo Mendrez inutangan daw ng P1-M ni Mark Herras

MA at PA
ni Rommel Placente

IBINUNYAG ng manager ni Jojo Mendrez na  si David Bhowie na umano’y may nahiram na malaking pera si Mark Herras sa kanyang alaga. Nagkakahalaga ito ng humigit kumulang ng P1-M na hanggang ngayon ay hindi pa umano binabayaran ng aktor.

Sa kabila nito, hindi galit si Jojo kay Mark. 

Ani Jojo, naawa pa nga siya sa kay Mark. Pero nakaaapekto na raw ang mga ginagawa ni Mark  sa kanya, lalo na ang pang-iiwan nito noong Linggo ng gabi sa kanya, na dapat ay partner niya as presenter sa ginanap na 38th PMPC Star Awards For Television.

Sa kuwento ni Jojo, nagpaalam lang si Mark na pupunta ng comfort room pero hindi na iyon bumalik. Nagsabi na lang daw ito sa kanyang manager na may emergency lang sa kanilang bahay.

Mabuti  na lang at malapit lang si Rainier Castillo sa venue at pinapunta niya ito para  makasamang mag-present ng isang award.

Dahil sa pag-iwan sa kanya ni Mark sa Star Awards, ito na ang naging dahilan para layuan ni Jojo ang unang-unang itinanghal na Male Ultimate Survivor sa Star Struck.

Giit ni Jojo, wala nang MarJo. Pero ang ibig niyang sabihin, ay hindi na siya makikipag- collab pa kay Matk. At hindi ‘yung break na sila.

Wala naman daw talagang namamagitan sa kanila ni Mark. Purely collab ‘yun at bawat oras na katrabaho niya ito ay mayroong honorarium na natatanggap.

Ayon pa sa binansagang Revival King, noong uumpisa ay mabait si Mark. Pero hindi nagtagal ay nag-iba ng ugali, lalo na noong nagtre-trending na sila ni Rainier.

Samantala, ang latest song ni Jojo na Nandito Lang Ako mula Star Music at komposisyon ni Jonathan Manalo ay napakikinggan at pwede nang i-download in all digital platforms.

In fairness, masarap pakinggan ng song. Ang ganda kasi ng melody at lyrics nito, plus ang ganda ng pagkakakanta ni Jojo. Punompuno ng emosyon. 

Sa tanong kay Jojo kung kanino niya huling sinabi ang mga salitang Nandito Lang Ako, sagot niya, “Huli kong sinabi itong mga linya na ‘to sa mga kaibigan ko. Lalo noong panahon ng pandemya, may mga lumapit sa ’kin, humingi ng support. Ang sabi ko sa kanila, nandito lang ako na tutulong, na hindi hihingi ng kapalit.”

O ‘di ba, talagang maawain at matulungin ang isang Jojo Mendrez kaya naman super blessed siya?

May his tribe increase.

About Rommel Placente

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Yohan Castro Vehnee Saturno

Yohan Castro balik-showbiz, patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AFTER two years ay itinuloy ni Yohan Castro ang kanyang …