Wednesday , April 2 2025
Pio Balbuena Bam Aquino

Rapper/actor/ direktor nagpasalamat sa libreng kolehiyo ni Bam

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGPAPASALAMAT ang rapper/actor/director at vlogger na si Pio Balbuena kay dating senador at independent senatorial candidate na si Bam Aquino sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga tambay na magkaroon ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng kanyang batas na libreng kolehiyo.

Sinabi ni Pio sa isa niyang vlog na hindi lang diskarte ang mahalaga para magkaroon ng magandang buhay kungdi ang pagkakaroon ng diploma.

Kung nalaman ko lang ang libreng kolehiyo ni Senador Bam, sana ay pinursige ko na ang pangarap kong kurso!” saad ni Pio.

Hinikayat naman si Pio ng senador na hindi pa huli ang lahat at kaya pa niyang matupad ang pangarap sa libreng kolehiyo.

Bukod sa pagiging rapper/actor/director at vloger, si Pio ang may-ari ng sikat na Tambay caps na famous worldwide. Sa pamamagitan ng kanyang Tambay Traders, Inc, nakapagbigay trabaho siya sa mga tambay.

Kalalabas lang ni Pio ng bago niyang single na 45 BARS at sinabing suportahan si Bam Aquino para makabalik sa Senado at palakasin pa ang free college law niyang nilikha.

About Jun Nardo

Check Also

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Marco Adobas TNT Showtime

TnT Grand Resbak contestant tsinugi, posible pang kasuhan

MA at PAni Rommel Placente DINISKWALIPIKA ang isang contestant sa Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak …

MLWMYD ng KimPau kumita ng P12-M sa unang araw pa lamang na ipinalabas

MA at PAni Rommel Placente NOONG  pumasok si Kim Chiu kasama ang ka-loveteam na si Paulo Avelino sa Bahay …

TRABAHO Partylist Job Fair

TRABAHO Partylist sa Publiko: Mag-ingat sa job scam!

NGAYONG April Fool’s Day, nagbabala ang TRABAHO Partylist sa publiko na mag-ingat sa mga job …

Marianne Bermundo The Philippine Young Faces of Success

Marianne Bermundo wagi sa Philippine Young Faces of Success 2025

MATABILni John Fontanilla PAREHONG wagi sa katatapos na The Philippine Young Faces of Success 2025 ang mag-inang Virgie …