Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina Sarah Discaya

Ara susubok muli sa politika, peg si Ate Vi

ni Allan Sancon

BUKOD sa pagiging magaling na actress, likas din naman  kay Ara Mina ang pagiging matulungin sa kapwa kaya nga pinasok na rin ng aktres ang politika para mas marami siyang matulungan.

Tatakbo si Ara bilang councilor ng Pasig kasama ang isa ring matulungin at business woman na si Sarah Discaya na tatakbo naman bilang mayor ng Pasig. Sanib-puwersa sila sa pagtulong sa mga Pasigueño.

May panawagan nga si Ara sa kanyang fans.

Sa mga fan ko at mga kababayan natin. Thank you, thank you sa lahat ng suportang ipinakita ninyo sa akin mula pa noong nagsisimula pa ako hanggang ngayon. I hope na masuportahan ninyo ako sa bagong journey na papasukin ko. Kayo na po ang bahala. Basta marami po kaming plano sa Pasig ni Ate Sarah, marami po kaming gustong tulungan. Hindi ko po ito papasukin kung wala akong magandang gagawin,” mensahe ni Ara.

Kung sakaling palaring manalo si Ara  bilang councilor ng Pasig ay marami siyang magandang proyekto para sa Pasig.

Natanong natin si Ara kung sakaling manalo siya bilang councilor ay iiwanan na niya ang showbiz?

Hindi naman, pero kung sakaling palarin ay magpo-focus muna ako sa Pasig pero once in a while siguro gagawa pa rin ng pailan-ilang  showbiz project. Katulad ng idol Kong si Ate Vi (Vilma Santos) na kahit nasa politika ay nakagawa pa rin ng mga pelikula,” pahayag pa ni Ara.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …