Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Gan, endorser at investor sa EcoEenergy

Andrew Gan, endorser at investor sa EcoEenergy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong endorsement si Andrew Gan at masasabing malapit ito sa puso ng guwapitong aktor dahil close friends niya ang owners at business partner niya rito sa EcoEenergy.

Kabilang sa owners at business partners niya rito ang mga young and energetic businessmen na sina Yik Yeung Chan, David Dai, Alvin Lam, at Yohann “Alex” Ortiz.

Nagkuwento si Andrew kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at pagiging business partners.

Aniya, “Ang story talaga niyan, before sila mag-gasoline station, nagsu-supply sila ng mga wholesale na gas at diesel sa mga stations. Si David talaga ang ano, kasi nag-work siya isang gasoline company before as sales agent.

“Doon nag-start iyon and from there parang… actually niyaya na niya ako rito before (na mag-invest sa business). Pero that time kumbaga ay hindi pa ako ready, wala pa akong pera, e,” nakangiting wika ni Andrew.

Paano sila naging magkakaibigan?

Kuwento ni Andrew, “Since bata pa kami, magkakalaro lang kami sa computer games. So, nakatutuwa na roon kami nag-start, so iyong foundation namin is very strong.

“Grateful ako kasi nabigyan ako ng opportunity. Kasi to be honest, maraming friends namin na close rin namin na gustong pumasok sa kanila, na hindi nila pinapapasok sa business.”

Childhood friends daw sila, kaya naging magkakaibigan. “Same school kami nag-aral, sa Philippine Cultural High School na isang Chinese school sa Caloocan,” pakli ni Andrew.

Bukod sa pagiging celebrity endorser, ano ang papel niya sa kanilang company? “Siguro, mas more on sa marketing ako.”

Puwede ba itong EcoEenergy sa lahat ng klase ng kotse o sasakyan?

Paliwanag ni David, “Yes, puwede po ito sa lahat ng klase ng kotse o sasakyan. Actually, ang products namin, we make sure na iyong quality nandiyan… kinukuha rin namin sa mga reputable big suppliers, hindi kami bumibili sa mga parang smuggled.

“Parang… technically, iyong smuggled niyan is parang technicality na smuggled, hindi siya totally na smuggled. So, hindi kami naglalagay nang ganoon sa stations namin, kasi we make sure na iyong product namin ay mataas talaga ang quality.   

“Kasi siyempre, we are building our names at kung magpapasira kami sa produkto namin, paano namin mabi-build-up iyong names namin?”

“Iyon iyong sinasabing first impressions, lasts,” sambit naman ni Andrew.

Saad ni Yeung, “Ang plan namin ay aggressive lang kaming mag-open ng mga new branches.”

Sinabi rin nila na competitive ang presyo ng kanilang gas stations, compared sa iba. “Sa area na ito, kami ang one of the cheapest stations,” ani Yeung.

“So, one of the cheapest kami, kasi ang pricing ay based sa area, e,” diin naman ni Alex.

Ang kanilang bagong branch ng EcoEnergy Gas station 102 ay located sa Fernando Poe, Jr., Avenue, Brgy Paraiso, Quezon City (malapit sa Fishermall QC). 

Ang iba pang branches ng gas station nila ay ang EcoEenergy Gas Station 10 – Plaridel – Pulilan Diversion Rd, Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan; at Ayle Gas Station Phase 9, Langit Road, Brgy. 17, 6 Caloocan City.

Incidentally, bukod sa paglabas sa top rating TV series na “Incognito” na tinatampukan nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Ian Veneracion, at iba pa. mapapanood din si Andrew sa drama-sexy series na “Naked Thruth” at “Dango” para sa Netflix. Co-stars niya rito sina Baron Geisler, Gillian Vicencio, at iba pa. 

Ang dalawang proyekto ay mula kay Direk Catherine Camarillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …