Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Divine Villareal

Divine Villareal, bagong pagpapantasyahan ng mga barako!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MALAKING break para sa newbie sexy actress na si Divine Villareal ang mapapanood sa kanya sa Roman Perez, Jr., movie na “Kalakal”.

Grabe sa kaseksihan ang newcomer na ito, sa kanyang vital statistics na 36-25-36, tiyak na maraming boys ang maglalaway sa kanya.

Ang magandang 20-year-old na dalaga, animo isang sariwang putahe ay katatakaman ng mga kalalakihan kapag nasilip nila ang kanyang alindog.

Kaya hindi nakapagtataka kung ang talent ni Jojo Veloso very soon, ay ang bagong pagpapantasyahan ng mga barako!

Nagkuwento ang hot na hot na si Divine kung bakit ganito ang title ng kanilang movie.

Sambit niya, “Iyong Kalakal po kasi, double meaning po siya, isang kalakal na nangunguha ng basura at isang kalakal na kinakalakal ang katawan para kumita ng pera, ganoon po.

“Ako po iyong nangangalakal ng katawan, para magkapera at mabuhay po.”

Tampok din sa pelikulang aabangan sa VMX app sina Gold Aceron, Jero Flores, Aliya Raymundo, Zel Fernandez, at iba pa.

Ano ang na-feel niya na parte na siya ng lead cast ng isang VMX movie?

Aniya, “Sobrang thankful po ako specially kay Direk Roman, kay Tito Jojo, at kay Kuya Paolo sa ibinigay nilang chance sa akin.”

Ano ang masasabi niya kay Direk Roman?

Tugon ng Batanggenyang si Divine, “Napakagaling po niya, napakabait, at saka napakalawak po ng imahinasyon ni Direk Roman. Like roon sa simpleng… kunwari po sa acting namin, bigla-bigla po niyang maiisip na, ‘Ay mas maganda itong gawin, dito sa gagawin nating film.’ Napakalawak po ng isip ni Direk Roman.”

Gaano ka-sexy ang ginampanan niya sa pelikulang Kalakal?

“Iba-iba po ang makikita ninyo sa movie namin, may threesome, may girl to girl… pero hindi lang ito po, may aral din po na mapupulot sa movie namin, napakaganda po ng kuwento,” esplika ni Divine.

Nabanggit din ng aktres na siya ang breadwinner sa kanilang pamilya.

“Pagka-graduate ko po ng senior high, nag-focus muna ako sa pagmo-model dahil ako ang breadwinner sa amin kaya pinag-aral ko muna ang mga kapatid ko.

“Mayroon po kaming business dati, kaso nang nagkasakit ang father ko ay wala nang nagha-handle rito hanggang sa nalugi ang business namin.”

Ayon sa kanya ay hilig talaga niya ang showbiz o pag-aartsita, kaya nagpursige siyang makapasok dito.

“Hilig ko talaga po ang maging artista at kapag nakakakita ako ng mga artista, naiisip ko na sana soon ay mabigyan din ako ng chance kahit maliit na role lang.”

Hanggang saan ang limitations niya sa pagpapasilip ng kanyang hubad na katawan?

“Ako naman po, bilang bahagi ng trabaho ng artista ito, hangga’t kailangan po sa movie ay kaya ko po as long as naka-plaster pa rin ‘yung pinaka-ibabang part ng aking pagkababae, hahaha!” Nakatawang wika pa niya.

Mainit daw at wild ang love scene niya sa pelikulang ito.

“Bale si Jero ang ka-love scene ko rito at sobrang wild po talaga ng ginawa namin dito. Promise, hindi magsisisi ang manonood ng movie namin na Kalakal,” nakangiting paniniyak pa ni Divine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …