Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pernilla Sjoö Philmar Alipayo Andi Eigenmann

Pernilla Sjoo sa isyung 3rd party kina Andi-Philmar: I’m still human, I feel hurt, it cut’s deep

MA at PA
ni Rommel Placente

UMALMA  at nagsalita na ang Swedish girl bestfriend ni Philmar Alipayo na si Pernilla Sjoö. Siya ang  itinuturong third party sa hiwalayan umano ng surfer at ni Andi Eigenmann.

Naging usap-usapan si Pernilla matapos niyang iflex sa social media ang matching “224” tattoos nila ni Philmar na ang ibig sabihin ay “Today, Tomorrow, Forever.”

Sinundan ‘yon ng mga post ni Andi patungkol sa isang kaibigan na inahas siya.

Walang binanggit na pangalan si Andi, pero very obvious na si Pernilla ang tinutukoy dahil nga sa nabanggit na couple tattoo.

Dahil diyan, nag-react na si Pernilla sa isyu sa pamamagitan ng kanyang Instagram account noong Sabado, February 8.

Ang iginiit pa niya ay tao lamang siya na nasasaktan din.

“I just don’t understand why some people have so much hate in their minds and bodies. I hope that if you ever make a hurtful comment, you can still sleep peacefully at night and smile knowing you’ve caused someone pain,” sey niya sa IG post.

Dagdag pa niya “I’m still human din naman. I still feel hurt, and when it’s too much, it cuts deep.”

Apela pa niya sa netizens na sana raw ay maging “kinder” sa isa’t isa at huwag humusga na hindi pa nalalaman ang buong istorya.

“I hope you never become the reason someone cries themselves to sleep or questions their worth — asking why they weren’t good enough,” caption niya.

Aniya pa, “You may think you understand, but you don’t.”

Naka-private na ang IG account ni Pernilla at hindi na makita ang kanyang posts dahil na rin sa dami ng netizens na nagba-bash. 

Sunod-sunod ang mga pasabog ni Andi hinggil sa estado ng relasyon nila ni Philmar at napansin na rin mg netizens na  in-unfollow nila ang isa’t isa sa IG.

Base sa mga post ng celebrity mom, ang ikinagalit niya ay ‘yung pagpapa-couple tattoo ng surfer at niyong bestfriend nitong babae na hindi man lang siya kinonsulta.

Gayunman, nilinaw ni Andi na hindi nag-cheat sa kanya si Philmar, kundi ang nasabing dayuhang babae ang nagtaksil sa kanya. 

Isa pa, magkaibigan na raw kasi si Philmar at ang dayuhan bago pa siya dumating sa buhay ng partner.

Sinubukan rin daw ng dating aktres na mag-reach out sa kaibigan ni Philmar para sa paliwanag, ngunit mas pinili nitong huwag siyang pansinin.

Sina Andi at Philmar ay na-engage noong 2020 at ikakasal na sana last year, ngunit biglang pumanaw ang ina  na si Jaclyn Jose kaya hindi ito natuloy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …