Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras Hermie Jun

Mark may lungkot at anxiety pa rin ‘pag naaalala LGBTQ couple na umampon 

MA at PA
ni Rommel Placente

AYON kay Mark Herras, hanggang ngayon daw ay nakararamdam pa rin siya ng matinding kalungkutan at anxiety kapag naaalala niya ang LGBTQ couple na umampon, nag-alaga, at nagpalaki sa kanya, na sina Hermie at Jun.

Actually, parang, feel ko, hindi ko siya nalampasan until now. Doon nabuo ‘yung depression, anxiety.

“Kapag mayroon akong sini-celebrate na death anniversary nila, minsan sobrang nagbi-breakdown ako kapag mag-isa ako,” sabi ni Mark sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda.

Patuloy niya, “One time, I remember, I think, huminto ako sa isang expressway. So parang tinatanong ko sila, ‘Did I ever say thank you to you guys?’

“Iyak ako, iyak ako. Kumbaga hindi ko siya nalagpasan. Hindi ako nakakapagluksa ng maayos,” lahad pa ni Mark.

Pero naisip din ng aktor na kailangan niyang mag-move on para sa sarili at sa kanyang pamilya.

But I need to move on. Kasi mayroon na akong sariling pamilya na binubuhay. ‘Yung anak ko, ‘yung magiging anak ko. And then my wife.

“At hindi naman ako pinabayaan ng mga in-laws ko, sobrang thankful, sobrang suwerte ako sa kanila,”aniya pa.

Inamin niyang hindi niya madalas nadadalaw ang mga kinilalang mga magulang ngunit palagi namang nasa puso niya ang mga ito.

So, imbes na mag-grieve ako, imbes na malungkot ako, ma-depress ako, at alam mo ‘yun, ‘yung sarili ko, pabayaan ko, eh lumalaban ako sa buhay kasi mayroon akong kailangan buhayin,” pahayag pa ni Mark.

Sumakabilang-buhay ang Daddy Jun ni Mark taong 2014, habang pumanaw naman ang kanyang Tito Hermie o Herminigildo Santos noong 2016.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …