Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristine Reyes

Cristine napika sa mga basher

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Cristine Reyes sa mga artistang nag-post ng pakikiramay sa yumaong si SanCai ng Meteor Garden o Barbie Hsu sa totoong buhay.

Nag-post ang aktres ng throwback pic nila ng yumaong Taiwanese star  sa araw din ng kanyang 36th birthday.

Ayon sa post ni Cristine ikinalungkot niya ang pagpanaw ni Barbie, sa edad na 48, dahil sa pneumonia noong Pebrero 2, 2025.

 “Rest in peace Shancai, our childhood favorite. Also, Happy 36th to me today.”

May hashtags itong #happybirthdaytome, #meteorgarden at #barbieshu.

Ang ilan naman sa mga netizen ay hindi alam kung ano ang gustong sabihin kay Cristine, ang makiramay dahil nalungkot din sila sa kamatayan ni Barbie o batiin si Cristine dahil sa kanyang kaarawan?

Komento ng isang netizen sa Facebook, “Nalulungkot ako sa nangyari sa kanya. By the way, masaya ako kasi birthday mo, Cristine. Happy birthday! Pero malungkot talaga ang nangyari kay shancai. Pero happy birthday ulit, Cristine ah”

Ayon sa isa pa, “May You Rest in peace po my Teenage Idol Shan Cai Barbie Hsu (sad emoji) and Happy Birthday and more birthdays to come Idol Ms Cristine Reyes, Ganurn po, dalawa Ang bati para fair.”

Nakarating naman kaagad kay Cristine ang iba’t ibang reaksiyon ng netizens. Dahil dito ay binura na lamang niya ang kanyang naunang post.

Sa kanyang Instagram Story, muling binati ng aktres ang sarili at pinasaringan ang mga taong tinawag niyang “perfect.”

Mensahe ni Cristine (published as it is), 

Maligayang kaarawan sa akin Yun na lang.. oks na!?

“Kailangan palaging perfect. Bawal magkamali nowadays..

“May kalupitan na kapalit sa mga bagay kapag nagkamali e, diba?

“Marahil ako nga talaga ay nag-lukuksa ngayong kaarawan ko.

“Good?

“Ang daming magagaling sa mundo.”

Ito ang naging post ng aktres na tila napikon sa mga basher.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …