MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI lang artista, singer, scriptwiter, at direktor, kundi isa na ring licensed private pilot si Xian Lim.
Apat na buwan matapos siyang mag-enroll sa isang aviation school noong Setyembre, 2024, nagtapos na ang binata sa pagka-piloto.
Ito ang ibinalita niya sa kanyang social media account.
Post ni Xian, “It’s official! PRIVATE PILOT. Still in the clouds from everything that happened. Thank you to my @topfliteacademy family here in Subic for making this journey an extra special one! Thank you capt. @chiclet.pecson for all the patience! More flights, more aerodromes, and more and more cross country flights to come! As always, maraming salamat Capt. @sahl.onglatco for the trust and for always providing your students with inspiration. To my check ride pilot, Capt. Villarin, what an unforgettable experience in the sky. Next up, CPL!HAPPY CHINESE NEW YEAR everyone!”
Nasubaybayan ng publiko, lalo na ng kanyang mga tagahanga, ang mga paglalakbay ni Xian bilang piloto dahil hindi siya naging maramot sa pagbabahagi ng mga larawan at video ng kanyang pilot training.
Bilang private pilot, tatlong beses sa isang araw ang biyahe ni Xian sa iba’t ibang mga lugar.
Siguradong proud na proud kay Xian ang kanyang magandang ina na si mommy Mary Anne at ang kanyang mga nagmamahal na tagahanga, sa bagong milestones na ito sa kanyang buhay.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com