Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sinugod ng mga nag-iinuman Lalaki sa Laguna patay sa saksak

Sinugod ng mga nag-iinuman
Lalaki sa Laguna patay sa saksak

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki matapos sugurin at pagsasaksakin ng tatlong nakainom na mga suspek sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna, nitong Linggo ng gabi, 26 Enero.

Sa ulat ni P/Maj. Laurence Aboac, hepe ng Paete MPS kay Laguna PPO Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia, nabatid na naganap ang insidente dakong 7:00 ng gabi kamakalawa sa T. Valdellon St., Brgy. 7 Bagumbayan, sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon, sinugod ang biktimang kinilalang si Romeo Madrigal saka pinagtulungang pagsasaksakin ng mga suspek na kinilalang sina alyas Zoilo, alyas Bobby, at alyas Ramil.

Isinugod ang biktima sa General J. Cailles Memorial District Hospital, sa bayan ng Pakil kung saan siya binawian ng buhay, habang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Dahil dito, nagtungo ang asawa ng biktimang kinilalang si Carmelita Madrigal sa pulisya upang isuplong ang krimen para agad magsagawa ng follow-up operations upang madakip ang mga suspek.

Nasakote ang mga suspek na sina alyas Ramir at alyas Zoilo na nasa kustodiya ng Paete MPS para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, patuloy ang pagtugis sa suspek na si alyas Bobby. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …