MA at PA
ni Rommel Placente
MAY makahulugang post si Ai Ai delas Alas sa kanyang social media.
Sa isang quote card na mababasa ang mga katagang, “NO WOMAN COULD LOVE A CHEATER AND NOT PAY THE PRICE OF IT.” At ang ginamit pang background music ay ang Thriller ni Michael Jackson.
Simulang hirit ni Ai Ai sa kanyang post, “Hahaha ang balita nga naman kahit akoy nanahimik bongga!! Take note si mistress ay PILIPINA.”
Sinundan pa ito ng ilang mga petsa noong 2024 na tila nabuking na niya ang sikreto ng tinawag niyang “Cheater.”
“MARCH 2024 …. Gerrys Grill si mistress naka hilig pa yung ulo sa balikat ni Cheater (wow sweet).
“JUNE 2024 … malapit sa jollibee (malapit sa fremont yesss iba din malapit pa bahay namin ahhhh) holding hands si cheater and si mistress (wow sweet ulit),” ang bahagi pa ng post ng komedyana.
Obvious naman daw na ang asawang si Gerald Sibayan ang tinutukoy ng komedya.
Sey pa ni Ai Ai sa mga taong tinutukoy niya, “Lalakas ng loob ahhh puro filipino establishments at california IDOL!!! GOAT! (greatest of all time).”
Sa comment section naman ng post niya ay nakakuha siya ng maraming kakampi sa netizens.
May isang netizen na nagsabi na dapat ay kasuhan ito ng komedyana, bigyan ng leksiyon, at i-cancel ang green card. Alam naman daw ni Lord na mabait siya sa kanyang ex-husband kaya dapat ay makakuha ito ng justice.
Pagsang-ayon naman ng isa pang netizen ay dapat ng bawiin na nito ang lahat ng ibinigay niya dahil ginawa lamang siyang tanga.
Last year ay inamin ni Ai-Ai na sa pamamagitan lamang ng text ay nakipaghiwalay sa kanya ang asawang si Gerald.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com