Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rufa Mae Quinto Willie Revillame

Rufa Mae tinulungan ni Willie, binigyan ng P1-M

MA at PA
ni Rommel Placente

PINUNTAHAN ni Rufa Mae Quinto si Willie Revillame sa show nitong Wil To Win, para magpasalamat dahil sa ipinaabot nitong financial help sa kanya. 

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang komedyana ng larawan niya kasama si Willie na nagkukuwentuhan at nagkakatawanan sa loob ng dressing room ng nasabing show.

“Thanks for making me happy Willie and for the Help Help Hooray. Thanks to myself for visiting Wil to Win. Watch me today for the hi hello,” caption ni Rufa Mae.

At noong nasa show na si Rufa Mae, sabi niya sa mga manonood, “Magandang-magandang hapon po. Welcome to me, yes.”

Ikinuwento rin niya ang dahilan kung bakit siya dumalaw kay Willie at ang pagbibigay tulong nito sa kanya.

Nakatanggap siya ng P1-M mula kay Willie bilang tulong, matapos ang kanyang pagpipiyansa ng P1.7-M kaugnay sa patong-patong na kasong isinampa laban sa kanya.

Sabi ni Rufa Mae, “Maraming salamat for giving me help, help, hooray! Hindi lang po kayo ang tinulungan niya, kundi pati ako.” 

Ani Rufa Mae, malaking bagay ang pagpayag ng korte na magkaroon siya ng pansamantalang kalayaan.

“Siyempre nagpapasalamat ako sa Diyos, nagdasal po ako. Sa NBI, sa press, hindi nila ako pinatakas. Talagang bawal ang eskapo. Hindi naman ako nakulong kasi nakapag-bail ako. Ngayong bilbil na lang!” natatawang sabi niya.

“Pero okay na ‘yon, positivity na lang. Ang importante, binigyan niya [Willie] ako ng cash, pangsimula muli,” aniya pa.

Naikuwento naman ni Willie na aksidente ang naging pagkikita nila ni Rufa Mae sa isang restoran.

“Kumain kami ng anak kong si Juamee sa isang restaurant, eh, walang silya kaya bumaba kami. So, nakita ko siya, may mga kasamang abogado, may mga pulis, may posas,” pabirong sabi ni Willie.

January 9 ng hapon, ay nakapagpiyansa si Rufa Mae para sa kinakaharap na kaso kaugnay ng mga reklamong isinampa sa kanya ng mga investor ng beauty clinic na kanyang ineendoso.

Umabot sa P1.7-M ang total na binayaran niya para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …