Wednesday , January 15 2025
Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na isinagawa ng Iglesia ni Cristo (INC) kahapon ay malayo sa paglalarawan nila rito bilang tagapagsulong ng kapayapaang pampolitika.

Linawin lang natin na hindi ito panghuhusga sa mga miyembro ng INC na bunsod ng kabutihang loob ay nagtipon-tipon at nanawagan para sa kapayapaang pampolitika at sa buong bansa.

Pero hindi maitatanggi, maging ng pamunuan ng INC, na ang konteksto ng panawagan nito para sa kapayapaan at pagkakaisa, maging ang timing, ay nagkakanulo sa tunay na dahilan at epekto ng ganoong panawagan: harangan ang mga pagtatangka sa Kongreso na patalsikin sa puwesto si Vice President Sara Duterte dahil sa alegasyon ng korupsiyon, at iba pa.

         Ang Quirino Grandstand ay nagmistulang teatrong pampolitika kahapon, na mga politiko ang pangunahing mga manonood. Bagamat kapayapaan ang ipinagbabandohang tema ng rally, ang mensahe ay hindi kasing linaw ng bloc-voting power nito at ang hindi mapapasubaliang reputasyon nito bilang isang armas na politikal.

Mismong si Senator Sherwin Gatchalian ay binanggit ang realidad na pampolitikang nakapaloob sa pagtitipon, binigyang-diin na ang ginagawang bloc voting ng INC ay magbubunsod upang “magdalawang-isip” ang mga politiko at opisyal ng gobyerno sa pagsuporta sa pag-i-impeach sa Bise Presidente.

Ano na nga ba ang bilang ng INC ngayon: 2.8 milyon? Walang duda ang impluwensiyang ito tuwing panahon ng eleksiyon, partikular sa mga gitgitang labanan na ang endoso ng sekta ay napatunayan nang mayroong malaking epekto.

         Ikonsidera ang logistics ng rally nila at tasahin ang katapat na impluwensiyang nagagawa ng kanilang grupo. Nagpakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 1,300 tauhan, at nagpatupad ng no-day-off policy, nagpapakita kung paanong pinakikilos ang resources ng gobyerno upang mapagbigyan ang sekta sa pagpapamalas ng kanilang lakas sa aspektong politikal.

Ang mga curious na outsiders — tulad ng dayuhang kaibigan ko — kinukuwestiyon ang kakayahan ng INC na makakuha ng ganoon kabigay-todong suporta mula sa gobyerno, nagpapalutang sa mga katanungan tungkol sa tinatawag na separation of church and state.

         Hindi ito ang unang beses na ginamit ng INC ang mga tagasunod nito upang protektahan ang ilang problemadong opisyal, ‘di ba? Noong 2012, nagdaos ito ng kaparehong rally sa kasagsagan ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Nang mga panahong iyon, tulad ngayon, ang pinalutang ay ang pagsusulong ng “kapayapaan” pero kalakip ng mensahe ang parehong political pressure. Mas armas yata ang datingan nito sa akin kaysa puting bandila.

Gaya ng nasabi ng kaibigan kong dayuhan: Dapat na nag-iisip-isip din ang mga Filipino sa mga implikasyon ng ganoong mga pagtitipon at huwag magbulag-bulagan sa power play ng mga religious leaders na malayang naiimpluwensiyahan ang lakas ng bilang ng kanilang mga miyembro.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

YANIG ni Bong Ramos

Another year over, a new one just begun

YANIGni Bong Ramos WAGI at napagtagumpayan nating tapusin at lagpasan ang lumipas na taon 2024 …

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …