Friday , January 10 2025
Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang institusyon na bahagi ng kasaysayang pangkultura at pang-sports ng Maynila, sa napakahalagang pagsasaayos. Naglaan kamakailan ang Philippine Sports Commission (PSC) ng mahigit ₱275 milyon para gawing maganda at moderno ang pasilidad.

Hindi lamang ito basta pagpapaganda lang, dahil tatampukan ito ng isang pitong-palapag na estruktura na magsisilbing dormitoryo ng mga atleta, ia-upgrade ang mga gallery sa Rizal Baseball Stadium, at may isang apat na palapag na administration building.

Masasabing matagal na matagal na sanang naisagawa ito para mapangalagaan at mapaganda ang pasilidad na humarap na sa ilang dekada ng mga paghamon. Kaya naman nagpupugay ang kolum na ito kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann dahil sa kanyang decisive na pamumuno.

Simula nang itayo noong 1934, naging pangunahing estruktura ang pasilidad sa larangan ng palakasan sa Filipinas. Idinaos dito ang napakaraming pandaigdigang kompetisyon, gaya ng Far Eastern Championship Games at ang unang Asian Games, bukod pa sa nagsilbing kuta ng mga Japanese noong World War II.

Isinaayos noong 1953 at kinilala bilang isang national historical landmark noong 2017, ang estruktura na may estilong Art Deco ay idinisenyo ni Juan Arellano at nagsisilbing simbolo ng katatagan at kultura ng bansa.

Ang pinakahuling pagtatala ng kasaysayan para sa Rizal Memorial Sports Complex ay sumasalamin sa hindi matatawarang importansiya nito. Noong 2019, saktong nakompleto ang pagsasaayos dito para sa Southeast Asian Games, ibinida ang husay at ganda ng arkitektura nito nang pagdausan ng gymnastics.

Sa kabila ng mga pinagdaanang problemang pinansiyal at kapabayaan sa nakalipas na mga panahon, ang pasilidad ay nananatili bilang hindi natitibag na pundasyon ng palakasan at kultura ng Filipinas, gaya ng kung paano ito naging kapaki-pakinabang noong may pandemya at sa pagbabalik-training ng ating mga pambansang atleta noong 2021.

Ang ambag ng pasilidad sa pagpapahusay ng ating mga atletang world-class ay hindi matatawaran. Masayang binabalikan sa alaala ng double Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang Rizal Memorial Sports Complex bilang napakaimportanteng bahagi sa mga unang sabak niya sa gymnastics. Sa mismong bakuran niyon, kung saan matatanaw ang mga makasaysayang landmarks, gaya ng Rizal Park, hinubog ni Yulo ang kanyang talento at kakayahan, na kalaunan ay nagresulta sa pandaigdigang tagumpay niya.

Kaya naman ang pamumuhunan sa landmark na ito ay hindi lamang limitado sa pagpapaayos; pinagtitibay nito ang sinumpaang tungkulin ng bansa na sasanaying maging pinakamahuhusay ang mga atleta nito habang pinoprotektahan ang isang pamana ng kasaysayan. Ang Rizal Memorial Sports Complex ay hindi lamang isang stadium — isa itong rebulto ng pagpupursige, pinanggagalingan ng inspirasyon, at patunay sa kapangyarihan ng mga pamana ng lahi na pagkaisahin ang iba’t ibang henerasyon.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …