Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chavit Singson e-jeep

Singson inilabas pinakamurang E-Jeep

ni Niño Aclan

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman  Luis “Chavit” Singson ang bersyon ng pinakamurang Electronic Jeepney para sa mga driver at operator sa bansa para matugunan ang jeepney modernization program ng ating pamahalaan. 

Kasama ni Singson sa paglulunsad ang isang Korean company na aniya ay maituturing na palugi at hindi kikita sa layuning makatulong sa ating mga kababayang driver at operator para sa kanilang kabuhaya.

Malaki rin ang  maitutulong nito para sa pangangailangan ng kanilang pamilya. 

Ang Electronic Jeep ayon kay Singson ay nagkakahalaga lamang ng P1.2-M kada isa kompara sa P3-M na kasalukuyang bersyon ng e-jeep na mayroon sa ating bansa. 

Bukod dito ipinagmalaki rin ni Singson na bagamat ito ay bersyon sa bansang Korea maituturing na Philippine maid o gawang Pinoy dahil ito ay bubuuin o gagawin sa Batangas. 

Ipinagmalaki rin ni Singson na magiging available sa bansa ang mga part ng naturang sasakyan sa sandaling magkaroon ng problema. 

Binigyang-diin ni Singson na ang kanilang iniaalok sa mga operator at driver ay pawang pautang ng walang downpayment at walang interest kahit singkong duling. 

Inaasahan ni Singson na sa kanilang unang paglalabas ng kabuuang bilang ng electronic jeep ay aabot sa 600 piraso. 

Pakiusap naman ni Singson sa mga grupo o asosayon na hahatiin muna sa tig-10 kada bayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matiyak na lahat ay magkakaroon.

Aminado si Singson na magiging madali ang kanilang produksiyon ng mga e-jeep kung mayroon pang ibang mga kompanya ang makikipagtulungan.

Idinagdag pa ni Singson na malaki ang matitipid sa pagbili ng krudo at gasolina at maging sa mga spare part ng mga operator at driver sa bersyon ng kanilang e-jeep. 

Tiniyak pa ni Singson na maglalagay din sila sa lahat ng mga terminal ng solar charging station para hindi lamang krudo at gasolina ang matitipid kundi maging ang kunsumo ng koryente. 

Itinuturing ni Singson na isang enviromental friendly ang hatid ng kanilang electronic jeep dahil ito ay hindi na magbubuga pa ng maitim na usok na lubhang nakasisira sa ating inang kalikasan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …